Siya, Ako at Ikaw

KABANATA UNO

BAHID NG DUGO
Biyernes ika labing tatlo ng buwan ng Oktobre sa taon ng 2008. Sa ganap na oras ng dalawa ng hapon.
Medyo makulimlim ng araw na iyon at nagbabadya ng pag ulan ang masungit na panahon. Naibalita sa telibisyon na may dadarating sa bansa na isang malakas na bagyo kaya ipanag bigay alam sa lahat na suspende ang pasok ng lahat ng antas ng mga istudyante sa araw na iyon. At ipinayo sa mga tao na kung aalis o lalabas ng bahay na magdala ng panlaban sa ulan at iyon ay payong o rain coat.
Pero kahit masungit ang panahon na iyon, sya ay nag pumilit na umalis ng bahay para bumili ng cd ng laro na kung tinatawag ay playstation. Mahilig sya sa mga elektrikong laro at sa adventure. Pati sa araw na iyon, iyon ang unang araw na ma rerelease ang pinakaka-hihintay nilang laro ng kanyang kapatid. Gusto nya nga sana isama ang nakakabatang kapatid ngunit hindi pumayag ang kanilang ina dahil sa lagay ng panahon. Nasa isa syang game console boutique ng isang kilalang mall sa Makati. Habang sya’y pumipili ng cd sa isang cd rank, masusi syang tumitingin sa bawat cd na kanyang nakikita at ng makita nya ang kaniyang pakay sa boutique na iyon lubos syang natuwa at nasabik sa maaring maging reaksyon na maaring ipakita ng kanyang kapatid pag umuwi na sya sa kanilang bahay. Hindi nya maitago ang kanyang ngiti at sa mga minuto na iyon pinaplano na nya sa kaniyang isipan ang mga kanyang moves na gagawin habang sila ay maglalaro. At ng pumila na sya sa counter, medyo na dismaya sya dahil pang lima sya sa linya ng magbabayad sa counter. Ang unang nakipila ay isang matabang lalaki na alam nyang adik sa laro dahil sa dami ng binibili nitong cd. Ang pangalawa at pangatlo ay isang bata na may hawak na limang cd at ang ina nitong busy sa pagkausap sa cellphone nito. At ang pang apat ay isang mas bata sa kanya na babae alam nyang hindi ito umuwi ng iabiso na walang pasok dahil naka school uniform pa ito. Ng mapatingin sya sa batang babae nakita nyang nakatingin rin ito sa kanya at sa hawak nyang cd.
“Anung laro iyan?” atribida nitong tanong.
“Role Playing Game.” Sagot nya.
“Ahhh… Babae ka pa naman dapat hindi iyan ang nilalaro mo. Dapat mga love story na laro tulad nitong laro na hawak ko.” Pinakita pa nito sa kanya ang isang laro na alam nyang love story dahil sa cover pa lang nito kitang kita na kung ano ang laro na hawak nito at tyak na maboboring lang sya pag iyon ang binili nya.
“Para ito sa kapatid ko.” Sagot nya at tumingin sya sa counter at ng makita na ang batang babae na ang susunod natuwa sya, dahil pag nagtagal pa sya malamang na irapan at isnabin na lang nya ang atribidang batang. Ayaw pa naman nya sa lahat ay atribida na nakikialam sa lahat ng galaw at kilos nya.
“May time ka pa mag palit ng laro. Alam ko puro patayan lang yan at walang kwenta.” Saad ng bata na pilit syang pinapapalitan ang laro na hawak nya. At sa uri ng tingin nito alam nyang kung hindi lang ito na ang magbabayad malamang na samahan sya nito sa cd ranks para humanap ng love story game.
“Sorry pero ayoko ng mga love story na games.”
“Ahh… Okay I’m just concern to you! Girls should be more delicate and not violent towards other and I know you will be violent because you’re buying a game that the theme was violence. It just my advice but it’s up to you if you will take it as a good advice. Nice talking to you.” Hanggat hindi ito nagbabayad talagang sinagad nito ang pakiki alam sa kanya.

Sino ba ang mas matanda sa amin? Did I don’t know that girl should be delicate? Delicate my ass! Naggagalaiting saad ng isip nya. Bilisan sana ng cashier ng umalis na ang pakilamerang batang iyan kung hindi baka maeskandalo lang ang bata at matrauma pa ito sa mga lalabas na words sa mga labi nya. Dahil alam nyang napipikon na sya.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s